Patakaran sa Cookie

IMPORMASYON SA AMING PAGGAMIT NG MGA COOKIES

1. Panimula

Ang Abisong ito mula sa Hyster-Yale, Inc. ("Abiso") ay ipinatutupad sa website na ito ("Website") at sa anumang website, mga pahinang may brand sa mga third party platform (tulad ng Facebook, LinkedIn o X) at mga aplikasyon na pinupuntahan o ginagamit sa pamamagitan ng mga kahalintulad na website o third party platform (“ang mga Site ng Hyster-Yale”), na pinatatakbo o nasa ngalan ng Hyster-Yale, Inc., mga sangay nito at/o kaugnay na kompanya (magmula rito ay tatawaging “Hyster-Yale Group”, "kami". "namin", "amin/g"). Ang Abisong ito ay nagtatakda kung paano namin kokolektahin at ipoproseso ang impormasyon tungkol sa iyo sa mga Site ng Hyster-Yale sa pamamagitan ng paggamit ng mga cookie. Ginagamit namin ang terminong "cookies" sa Abisong ito upang tumukoy sa mga maliliit na text file na inilalagay sa iyong device habang bumibisita sa isang website o app. Ang mga text file na ito ay maaaring awtomatikong magkolekta ng impormasyon kapag bumisita ka sa mga Site ng Hyster-Yale (tulad ng mga pixel tag, web beacon, device ID at mga katulad na teknolohiya). 

2. Ano ang cookie?

Ang cookie ay isang maliit na text file o piraso ng data na maaaring itago sa iyong computer o mobile device kapag bumisita ka sa isang website o app. May iba't ibang layunin ang mga cookie tulad ng pagpapahintulot sa iyo na sumagot at magpadala ng mga form, pagpapahintulot sa iyo na mag-login sa iyong account, pagtatanda ng iyong mga kagustuhan, at pangkalahatan pagpapahusay ng karanasan ng user at nabigasyon mo sa mga webpage. Bilang halimbawa, maaring sabihin sa amin ng mga cookie kung bumisita ka na sa aming Website noon o kung ikaw ay isang bagong bisita. Maaari din silang makatulong na tiyakin na ang mga advert na iyong nakikita online ay mas may kaugnayan sa iyo at mga interes mo. Dahil sa silbing ito ay nagiging napakahalaga ng mga cookie upang paghusayin ang iyong karanasan sa user kapag bumalik sa isang website na nabisita mo na. 

3. Gaano nagtatagal ang mga cookie?

Maaaring manatili ang mga cookie sa iyong computer o mobile device sa magkakaibang haba ng panahon. May ilang mga cookie na tinatawag na 'session cookies'. Ang mga cookie na ito ay umiiral lamang kapag bukas ang iyong browser at awtomatikong nabubura kapag isinara mo ang browser. May ibang mga cookie na tinatawag na 'persistent cookies'. Ang mga cookie na ito ay nananatili pagkatapos mong isara ang iyong browser hanggang sa isang nakatuukoy na petsa ng expiration. Maaari itong gamitin ng mga website upang makilala ang iyong computer kapag binuksan mo ang iyong browser at muling mag-browse sa Internet. 

4. Ano ang iba pang teknolohiya na ginagamit sa pagsubaybay sa aking pagbisita sa Site ng Hyster-Yale?

Maaaring gumamit kami ng ibang teknolohiya sa pag-track upang mas mahusay na umangkop sa mga Site ng Hyster-Yale upang makapagbigay ng mas mahusay na serbisyo. Ang mga teknolohiyang ito ay kadalasang gumagana kasabay ng mga cookie. Upang i-disable ang mga cookie na ginagamit sa mga Site ng Hyster-Yale, at anumang teknolohiya sa pag-track na kasabay na gumagana sa mga cookie na ito, sundin ang mga instruksyon sa ibaba. 

5 Anong uri ng mga cookie ang aming ginagamit?

Habang ang mga cookie ay may iba't ibang subkategori (tingnan ang 5.2) ito ay maihahanay sa dalawang pangunahing kategorya: mga first-party at third-party na mga cookie. Ang mga cookie ay maaaring itakda ng website na iyong binibisita ('first-party cookies') o maaaring itakda ng ibang website na nagpapatakbo ng content sa pahina na iyong binibisita ('third-party cookies). Para sa kabuuang listahan ng mga ginagamit na mga cookie sa aming website tingnan ang Listahan ng mga Cookie sa ibaba.

May limang subkategori ng mga cookie na ibinibigay sa pamamagitan ng mga Site ng Hyster-Yale na nilalarawan sa ibaba:

5.2.1. Mahigpit na Kinakailangang Cookies: Kailangan ang mga cookies na ito para bigyan ka ng mga serbisyong available sa mga Site ng Hyster-Yale at para magamit ang ilan sa mga tampok nito, tulad ng pag-access sa mga ligtas na lugar.. Kung wala ang mga cookie na ito, ang mga serbisyo na iyong hiniling, tulad ng layunin sa pag-login, ay hindi magiging posible. Hindi kailangan ang iyong pagpayag para sa paggamit ng mga Lubos na Kinakailangang mga Cookie, kaya ang mga cookie na ito ay hindi maaaring i-disable.

Cookies sa Analytics: Ang mga cookies na ito ay nagkokolekta ng mga impormasyon na sama-samang ginagamit para tulungan kaming maunawaan paano ginagamit ang mga Site ng Hyster-Yale o kung gaano ka epektibo ang mga Site ng Hyster-Yale. Ang impormasyon na ito ay gagamitin para sa layunin ng pagsusuri ng iyong paggamit ng mga Site ng Hyster-Yale, pagtatala ng mga ulat sa aktibidad sa Site ng Hyster-Yale para sa mga tagapangasiwa ng Site ng Hyster-Yale at pagbibigay ng ibang serbisyo sa mga tagapangasiwa ng Site ng Hyster-Yale na may kaugnayan sa aktibidad at paggamit ng internet sa Site ng Hyster-Yale. Ang mga cookie na ito ay maaaring magpasa ng data sa mga third-party na aplikasyon na nagbibigay sa Site ng Hyster-Yale ng pananaw at pag-uugali ng user

5.2.3. Cookies sa Paggana: Ang mga cookies na ito ay nagkokolekta ng mga impormasyon para tulungan kaming i-customize ang mga Site ng Hyster-Yale para sa iyo. Maaari itong gamitin para makilala ka kapag bumalik sa mga Site ng Hyster-Yale. Nagpapahintulot ito sa operator na iayon sa iyo ang aming content, batiin ka gamit ang iyong pangalan at tandaan ang iyong mga kagustuhan (halimbawa, ang iyong piniling wika o rehiyon).

Cookies sa Advertising: Ang mga cookies na ito ay ginagamit para gawing mas makabuluhan sa iyo ang mga mensahe ng aming mga patalastas. Ang mga ito ay may punsyon tulad ng pag-iwas sa paulit-ulit na paglitaw ng parehong ad, pagtiyak na ang mga ad ay ipinapakita nang maaayos para sa mga advertiser, at sa ilang kaso ay pagpili ng mga advertisement na ayon sa iyong mga interes at gawi. Maaaring pagsama-samahin ng mga cookie na ito ang mga impormasyon mula sa mga site na iyong binibisita.

Cookies sa Social Media: Sa ilang pahina sa mga Site ng Hyster-Yale, ang mga third party na nagbibigay ng mga application sa pamamagitan ng mga Site ng Hyster-Yale ay maaaring magtakda ng kanilang sariling cookies upang masubaybayan ang tagumpay ng kanilang mga application o i-customize ang mga application para sa iyo. Halimbawa, kapag naka-follow ka sa Hyster-Yale gamit ang isang social media button sa isang Site ng Hyster-Yale (hal. Facebook, Twitter, o LinkedIn), itatala ng social network na gumawa ng button na nagawa mo na ito. Dahil sa paraan ng paggana ng mga cookie, hindi namin maaaring ma-access ang mga cookie na ito, hindi rin maaaring ma-access ng mga third-party ang data sa mga cookie na aming ginagamit. Ilan sa mga Site ng Hyster-Yale ay maaaring magtaglay rin ng embedded content, tulad ng content na video mula sa YouTube, at ang mga site na ito ay maaaring magtakda ng kanilang mga cookie.

5.2.6. Mga Beacon at Widget: Gumagana ang mga beacons sa katulad na paraan ng mga cookies at inilalagay sa mga website at email na ipinapadala namin sa iyo upang masubaybayan ang iyong paggamit ng aming content, halimbawa sa pamamagitan ng pag-click sa isa sa aming mga email at pag-download ng isang bagay mula sa aming website

5.3 Mga Cookies ng Third-Party na Kinakailangan ng Awtorisasyon 

Ang mga cookie na ito ay itinatakda sa pamamagitan ng pagsama ng mga site ng third-party. Ang mga halimbawa ay mga serbisyo ng Facebook o video sa YouTube. Ang mga third-party provider na ito ay maaaring magtakda ng mga cookie habang bumibisita ng isang website at matanggap ang impormasyon na ina-access mo sa website na ito. 

6. Paano pa namin ginagamit ang mga cookie?

6.1 Para sa karagdagang detalye paano namin ginagamit ang impormasyon na kinokolekta ng mga cookies, mangyaring tingnan ang aming Pahayag sa Pagkapribado. 

7. Paano kontrolin o burahin ang mga cookie

Maaari mong kontrolin ang mga cookie na ibinigay sa pamamagitan ng mga Site ng Hyster-Yale sa mga sumusunod na paraan:

7.1.1. Maaari mong piliin kung aling mga cookie ang pinahihintulutan mong gamitin namin, maliban sa mga cookies na mahigpit na kinakailangan, sa pamamagitan ng pagbisita sa aming Cookie Privacy Preference Centre.

7.1.2. Mga opt-out site ng industriya. Maaari mo rin tanggihan ang mga cookies na nariyan para sa layunin ng pagpapatalastas ng marami naming mga kasosyo sa third party advertising sa pamamagitan ng pagbisit sa http://www.aboutads.info/choices/ or http://www.networkadvertising.org/choices/.

7.1.3. Mga setting ng browser. Habang marami sa mga web browser ay naka-default na tumatanggap ng mga cookie, maaari mong baguhin ang mga setting ng iyong browser upang tanggihan at/o alisin ang mga cookie. Naka-ayon sa bawat browser ang eksaktong paraan kung paano mo ito maaaring gawin, mangyaring bumisita sa help menu ng browser mo para sa karagdagang impormasyon.

87.2 Mangyaring tandaan din na kung pinili mong tanggihan o alisin ang mga cookie, maaari nitong pigilan ang ilang mga tampok o serbsiyo ng mga Site ng Hyster-Yale maaayos na paggana at makaapekto sa iyong karanasan habang nasa mga Site ng Hyster-Yale. Ang mga bahagi ng mga Site ng Hyster-Yale na maaaring magsama ng content mula sa mga third-party, na maglalagay ng third-party na mga cookie, ay hindi magiging available sa iyo. Kung mangyayari man ito, ay ipapaalam namin ito sa iyo. Dahil ang iyong mga kagustuhan sa pag-opt out ay nakatago rin sa iyong cookie sa website browser mo, tandaan na kailangang gawin mo ulit ang iyong mga pagpili sa pag-opt-out kapag binura mo ang lahat ng mga cookie, gumamit ka ng ibang browser, o bumili ng bagong computer.

8. Mga Pagbabago sa Abiso

8.1 Ang abisong ito ay huling na-update noong Agosto 2024. Isang abiso ang ipo-post sa homepage ng aming Website sa loob ng 30 araw sa tuwing ang Abisong ito ay binago sa materyal na paraan. Sa pagpapatuloy sa paggamit ng mga Site ng Hyster Yale kinukumpirma mo ang patuloy mong pagtanggap sa Abisong ito.