Ang mga trak ng Yale na ibinigay ng Emtor ay may mga nakapaloob na cabin na kinabitan ng mga bintanang may dalawang layer ng salamin upang mapanatiling mainit, dobleng skin insulation at in cabin thermosatic heating, na nagbibigay sa mga operator ng mainit at kumportableng lugar ng pagpapatakbo, habang tumutulong na mabawasan ang peligro ng pagkakaroong ng hamog (fogging) kapag umaandar sa pagitan ng malamig at mainit na mga kapaligiran. Ngunit ang mga cabin ng trak ay isa lamang paraan na isinaalang-alang ng Emtor ayon sa mga pangangailangan ng customer na ito.
“Sa aming pabrika, iniimbak ang mga produktong kalahating tapos sa warehouse na gumagamit ng block system, at ililipat lamang ang mga tapos na produkto sa rack ng paleta. Tinalakay namin ang pangangailangan na “paliitin” ang lapad ng mga reach na trak na gagana sa lugar na ito sa Emtor dahil sa sobrang kitid ng mga pasilyo sa aming warehouse. Tinanggap nila ang hamon at inihanda ang mas makikitid na bersyon alinsunod sa mga hinihingi ng Polish Office of Technical Inspection lalo na para sa amin, na mainam ang nagagawa sa aming makikitid na pasilyo” sabi ni Paweł Łyczywek, Logistics at Supply Chain Director sa Bonduelle.
Ang mga de-kuryenteng trak na may kapasidad sa pag-angat ng 1.6 na tonelada at mas mataas pang kapasidad na mga LPG trak (1.8-2.5 tonelada) na kinabitan ng mga rotator ay sinusuportahan ang mga reach na trak, na nagsasagawa ng mga gawain sa labas ng warehouse. Gumagana nang pitong araw kada linggo sa mode na tatlong shift ang halos lahat ng kagamitan sa pabrika at nilagyan ng pagtatanggal ng baterya sa gilid para makatipid sa oras at mabawasan ang pagkagambalang dulot ng pagpapalit ng mga baterya.
“Sa nakalipas, mahirap na operasyon na may kasamang tiyak na mga peligro ang pagpapalit ng mga baterya mula sa itaas at pagmamanipula sa mga ito sa itaas. Napakalawak ang mga saklaw ng trak na ginagamit namin, mula sa mga reach na trak hanggang sa mga trak na ginagamit sa warehouse, kaya ang pag-iisa ng sistema ng pagpapalit ng baterya at ang pag-aangkop nito sa mga iba’t ibang modelong ginagamit namin ay isang importanteng elemento ng seguridad para sa amin,” sabi ni Paweł.