Karanasan
Pag-aaral ng Kaso ng Continental Tire
Sinasakop ng malawak na operasyon ng produksyon ng Continental Tire sa Mt. Vernon, Illinois ang isang 60 ektaryang pasilidad at mayroong mahigit sa 3,000 empleyado. Pangunahin nitong pinagsisilbihan ang merkado ng Hilagang Amerika na gumagawa ng isang buong hanay ng mga gulong na pangkomersiyal at pampasahero. Kinailangan ng Continental Tire ang isang solusyon na nakabatay sa teknolohiya upang magbigay ng mas malaking kakayahang makakita ng fleet ng lift trak at maghatid ng pag-optimize ng proseso.
Hamon
Kinailangan ng Continental Tire ang isang solusyon na nakabatay sa teknolohiya upang magbigay ng mas malaking kakayahang makakita ng fleet ng lift trak at maghatid ng pag-optimize ng proseso. Kinailangan ng solusyong telemetry na harapin ang apat na mahahalagang larangan.
- Pagsunod sa OSHA – Palitan ang mga papel na checklist ng iniuutos ng OSHA na pang-araw-araw na mga inspeksiyon gamit ang mga elektronikong alternatibo, at makatipid ng mahigit sa 279,000 na piraso ng papel kada taon.
- Pagsubaybay sa operator – Ipares ang mga ulat ng kagamitan sa mga operator upang sukatin ang pagganap at i-automate ang pag-uulat.
- Preventive maintenance – Mag-iskedyul ng maintenance batay sa real-time data, sa halip na natukoy nang mga patnubay, na tumutulong na lumikha ng isang mag-aaral, mas mahusay na operasyon na may pinakamaliit na hindi nakaplanong downtime.
- Paggamit ng mga kagamitan – Awtomatikong pagsubaybay ng paggamit ng lift trak sa iba’t ibang departamento ng buong pasilidad upang tukuyin ang mga angkop na pangangailangan ng kagamitan.
Bilang karagdagan dito sa mga hakbang na pang-operasyon at pagganap, kinailangan ng Continental Tire ng isang solusyong may partikular na balangkas ng teknolohiya at mataas na antas ng suporta ng vendor. Nabigo ang isang dating pagsisikap sa telemetry na maghatid sa pangako ng pagiging nakakonekta na hinihimok ng data dahil sa pag-asa sa IT department ng Continental Tire – isang masalimuot na proses na sumagabal sa paggamit sa buong site. Sa panahong ito, sinikap ng kompanya ang isang mas maayos na pamamaraan nang walang pakikilahok ng IT.
Solusyon
Pinahintulutan ng solusyong telemetry ng Yale Vision ang Continental Tire na makinabang sa kanilang kasalukuyang relasyon sa Black Equipment, na nag-aalok ng mas simpleng pagdaloy ng proseso at isang pamilyar na kasosyo.
Nagbigay ang Yale Vision ng isang nakatuon na mapagkukunan ng pamamahala ng proyekto upang gabayan ang pagpapatupad ng solusyon at magbigay ng nagpapatuloy na suporta. Hindi lang pinakamalaking instalasyon ng Yale Vision ang fleet ng lift trak ng tagapagmanupaktura ng gulong sa ngayon; kasama rin dito ang kaunting mga tugger na hindi Yale. Ang suporta at kakayahan Yale Vision na makipagtulungan sa halos anumang uri ng mobile na kagamitan sa warehouse – hindi lang mga trak na may tatak na Yale – ay nagbigay ng kinakailangang kakayahang umangkop para sa Continental Tire upang makuha nang eksakto kung ano ang kailangan nila mula sa solusyon.
Ipinakita ng pasilidad sa Mt. Vernon, na may 24 na oras at tatlong shift na operasyon ang unang oportunidad sa pagpapasadya. Nangangailangan ng malaking bilang ng manggagawa ang paglalagay ng tauhan sa lahat ng shift na ito na humihigit sa default ng system na 1,034 na kapasidad ng operator. Upang ma-accommodate ang volume na ito, nakipagtulungan ang team ng Yale Vision kay Nathan Baugher, manager ng fleet and rolling stock para sa Continental Tire, upang gumawa ng isang pinasadya at dedicated na matrix. Ibinigay nito ang kinakailangang kapasidad upang masubaybayan ang lahat ng operator, habang pinananatili ang paggana at pagganap ng portal ng Yale Vision.
Maaaring tumakbo ang Yale Vision sa Wi-Fi at mga cellular network, kabilang ang parehong Global System for Mobiles (GSM) at Code Division Multiple Access (CDMA). Inalis ang Wi-Fi ng pangangailangang iwasan ang pag-asa sa mga panloob na mapagkukunan ng IT, at nangangahulugan ang kakulangan ng lokasyon ng coverage ng GSM cellular na kailangan ng Continental Tire ng mga module na CDMA Yale Vision.
Ang huling hakbang ay ang makasunod sa bilis ang iba’t ibang departamento ng pasilidad tungkol sa kung paano gagamitin ang solusyon. Kabilang dito ang pagsasanay sa pangasiwaan tungkol sa pag-uulat ng pangunahing paggamit at pagsubaybay sa kagamitan, at pagbuo ng kaalaman ng operator. Pinamunuan ni Baugher ang mga pagsisikap na panloob, pinupuri ang kadalian na maa-access ng mga tauhan at maiintindihan ang portal ng Yale Vision.
“Dahil nakabase sa web ang sistema, napakadali itong ma-access ng lahat - hindi namin kailangang mag-install ng anumang software sa PC na nasa panig ng kliyente. Literal nilang maa-access ang sistema kahit saan, hangga’t mayroon silang access sa internet,” sabi ni Baugher. “At ginagawa ng aktibong pag-filter na mabilis gawin ang paghanap sa mga partikular na operator o sasakyan.”
Epekto
Sa pagtakbo ng sistema, nagsimulang umani ang Continental Tire ng mga benepisyo ng isang mas mahusay at nakikitang fleet ng lift trak. Naghatid ang web portal at mga awtomatikong function ng mas kakaunti at mas mahusay na panahon, na may sulit na pag-maintenance, pagsunod sa OSHA, paggamitng kagamitan, at pagsubaybay sa pagganap.
Binabawasan ang Pagtigil sa Pagtakbo ng mga Automatikong Tawag sa Pagseserbisyo at Preventive Maintenance
Kabilang sa solusyon ng Yale Vision para sa Continental Tire ang pagsubabay sa fault code, na kung saan nagpapadala ang sistema ng isang awtomatikong alerto para sa maagap na pagseserbisyo batay sa katayuan ng kagamitan nang real-time. Direktang pumupunta ang mga alertong ito sa Black Equipment, na nagpapadala ng isang technician nang hindi nahihirapan ang mga operator o pangasiwaan ng Continental Tire.
Maaaring pigilin ng mga alertong ito ang maliliit na problema mula sa paglaki sa nakakapilay na paghinto sa pagtakbo, tulad ng pagkawala ng hydraulic pressure o bahagyang pagkasira ng controller. Isinasalaysay rin ng Yale Vision ang paggamit ng data at pagkapudpod ng kagamitan, at nagbibigay ng isang listahan ng mga piyesa upang tugunan ang anumang problema at mag-aalok ng mas mabilis na kalutasan. Ginawa nitong higit pang mahusay at mabisa ang maintenance ng Black Equipment, na may mas eksaktong schedule at mas mahusay na pagtatapos ng first-pass.
Kontroladong Paggasta Sa Pamamagitan ng Data ng Paggamit ng Trak
Walang operasyon ang makakaya ang hindi nakaplanong pagtigil sa pagtakbo, at hindi naiiba ang Continental Tire. Ngunit ang pag-iwas na ito sa pagtigil sa pagtakbo ay maaaring maging maaksaya, dahil maraming operasyon ang bumibili ng mga hindi kinakailangang trak bilang isang panangga sa lumulobong badyet laban sa panganib ng pagtigil ng pagtakbo. Tumutulong ang Yale Vision na maiwasan ang mga pagbiling ito,pinauupahan ang mga sumobra at serbisyo sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga kalakaran sa paggamit tulad ng mahalagang oras, paggalaw, oras na walang ginagawa at iba pa.
Habang ipinapatupad ng pasilidad sa Mt. Vernon ang mga bagong proseso at pinalawak ang produksyon, pinatunayan ng pagsusuri ng impormasyan mula sa Yale Vision na hindi kinailangan ng Continental Tire ang anumang katumbas na pagpapalawak ng fleet ng lift trak. Dahil dito, naiwasan ang mga hindi mahahalagang paggasta sa kapital at nagbigay ng pagtitiwala na inihahatid ng data na sapat ang kasalukuyang fleet.
Sa tatlong shift ng Continental Tire, 24 na oras na palitan, nangangahulugan ang tamang paglalaan ng mga lift trak na walang yunit na maaaring magamit sa mga magkakasunod (back-to-back) na shift. Upang paganahin ang estratehiyang ito, nagbibigay ang Yale Vision ng partikular sa trak na paggamit ng data na kumppleto sa pag-uulat ng oras ng shift, at pinananatili ang mga protocol sa pag-access upang matiyak na may mga kagamitan ang mga operator na kailangan nila.
Pinahusay na Kaligtasan at Pagsunod
Nagbibigay ang Yale Vision ng mga digital na checklist na isinama sa interlock ng bawat sasakyan. Hinuhudyatan ng mga checklist na ito ang mga operator upang magsagawa ng iniuutos na pagsusuri ng kagamitan bago ang bawat shift. Tinapos ng tampok na ito ang pag-asa ng Continental Tire sa hindi mahusay at luma nang mga papel na checklist, naghahatid ng malaking katipiran sa papel at mga gastusin kaugnay ng trabaho ng clerk.
Sa huli, napatunayang kritikal sa tagumpay ng proyekto ang malapit na pakikipagtulungan sa pagitan ng Black Equipment, Yale Materials Handling Corporation at Continental Tire. Nagpokus ang pagsisikap na ito sa eksaktong kinakailangan ng Continental Tire mula sa sistema, itinutugma ang mga kinakailangan na pang-operasyon sa mga kakayahan ng Yale Vision at nagbibigay ng patuloy na suporta.
“Sa sobrang laki ng operasyon, mahalagang magkaroon ng mga kampeon sa magkabilang panig upang hindi ka magtapos na nagagapi ng mas maraming impormasyon kaysa sa alam mong gagawin dito,” sabi ni Scott Bonnell, presidente ng Black Equipment. “Itinatakda ng Continental Tire ang mga parameter na kailangan nila para sa kanilang operasyon, at ibinibigay ng Yale Vision ang antas ng kaugalian na iyon ng pagkakaroon ng kamalayan na kaakibat ng tagumpay ng pasilidad sa Mt. Vernon.”