Bilang unang hakbang, nagtayo ang Ehmann ng lugar na mapag-iimbakan at pinagsama-sama ang mga produktong magkakaugnay, na nangangahulugang ang lahat ng piyesa ng isang produkto ay nakalagay ngayon sa isang warehouse at ang mga magkakaugnay na item ay nakaimbak sa isang pasilyo. Ang hanay ng mga produktong pinto kabilang ang mga aksesorya ay matatagpuan sa isang 2,000 metro kuwadrado na bulwagan na may sistema ng pagsasalansan sa makipot na pasilyo (narrow-aisle rack system) na may limang lane. Nais din ng wholesaler ng kahoy ng mas mahusay na solusyon para sa paglilipat ng mga materyales. Dahil nakikipagtulungan ang Ehmann sa Yale mula pa noong 2007 sa Cham at labis na nasisiyahan sa parehong mga lift trak at sa dealer ng Yale, hiningi sa kanila na bumuo ng isang solusyon.
Ang pagtuon sa pagsiserbisyo ay nagpapabuti sa kahusayan ng warehouse
Ang Gebhardt Group ay ganap na nakatuon sa mga produkto at serbisyong nauugnay sa kahoy. Ang mga karpintero, interior builder, publisher, kontratista, interior decorator at kompanyang pang-industriya ay maaaring umasa sa kanila para sa isang malawak na hanay ng mga produkto – mula sa hilaw na materyal hanggang sa eksklusibong kahoy ng taga-disenyo.
Hindi lamang ito tungkol sa mataas na kalidad ng produkto, dapat ay tama rin ang serbisyong iniaalok, simula sa konsultasyon, mabilis na pagproseso ng order at pagkatapos ay ang paghahatid sa customer nang tama sa oras.
Binili ng Gebhardt Group ang Ehmann Holz-Zentrum noong 2008 at ang espesyalista sa kahoy ay nagbebenta ng hanay ng produktong katulad ng sa kapatid na kompanya nitong Gebhardt Holz-Zentrum sa Cham. Kaya noong 2016, nagpasya ang pangasiwaan na itatag ang Ehmann bilang isang competence centre dahil sa kaliitan nito. Ginawa ang pagpapasyang ito hindi lamang dahil sa katotohanang ang lokasyon sa Neumarkt, na may kabuuang lawak na 23,000 metro kuwadrado at 10,000 metro kuwadrado na espasyo ng warehouse, ay higit na mas maliit kaysa sa lokasyon ng Cham, na may kabuuang lawak na 70,000 metro kuwadrado at lawak ng imbakan na 30,000 metro kuwadrado. Dahil hindi posible ang pagpapalawak sa Neumarkt, kailangang magtrabaho ng Ehmann gamit ang available na espasyo na nangangahulugang pagbabawas sa hanay ng mga produkto at paglalagay ng internal logistics sa ilalim ng pagsusuri upang i-optimize ang mga proseso.
“Nakabuo ang M. + S. Bauer ng isang napakatalinong solusyon para sa atin na tumutupad sa aming mga pangangailangan sa pinakamataas na antas at makabuluhang itinaas ang kahusayan ng aming mga proseso ng logistics,” puna ni Ettl. Para sa pagpili ng mga pinto at frame, nakabili na ngayon ang Ehmann ng dalawang Yale MO10S na high level order picker bilang karagdagan sa isang Yale MR16 na reach na trak. Ang highlight ay ang matalinong nakakabit sa isa sa mga high level order picker sa anyo ng isang plataporma kung saan maaaring pumili ng mga order ang operator.
“Kapaki-pakinabang na pagsama-samahin ang mga plataporma sa pagkarga sa sasakyan,” sabi ni Martin Gärth, sales consultant sa M. + S. Bauer. “Ito ang dahilan kung bakit namin ito isinaalang-alang sa aming solusyon na sasakyan.”
Higit na mahalaga ang kakayahan sa pagmamaniobra sa warehouse nga Ehmann dahil ang pasilyo ay mayroon lamang lapad na 3.60 metro.
“Hindi lang dapat makaya ng sasakyan ang isang toneladang karga, na halos katumbas ng bigat ng platapormang may karga, ngunit ang hamon ay dapat mailipat ang malalaking pinto at frame sa paraang hindi makasasama sa materyales,” sabi ni Gärth. Isinasaalang-alang ang mga pangangailangang ito, inilahad ng dealer ng Yale sa customer ang pinasadyang solusyon sa sasakyan.
Ang laki ng plataporma sa pagpili ay pinakamainam na nakatugma sa mga sukat ng mga pinto at frame na may lapad na 3.10 metro at lalim na 2.10 metro. Nag-aalok ito sa operator ng sapat na espasyo para ilipat ang mga produkto. Ang plataporma ay naka-screw sa sasakyan upang umangkop ito ayon sa pangangailangan.
“Ang kalamangan ng bagong solusyon ay nakasalalay higit sa lahat sa katipiran sa oras at gastos sa materyales. Ang distansiya sa pagpili pati na rin ang oras para sa indibidwal na pagpili ay naging mas maikli,” pagpapaliwanag ni Ettl. “Salamat sa mas pinabilis na lead time, nakarating ngayon nang mas maaga ang produkto sa tindahan ng customer.”
“Inilatag namin ang mga pundasyon para sa higit pang paglago,” sabi ni Ettl. “Nais naming lumaki nang organiko. Isang bagay ang tiyak na sigurado, kung kailangan namin ng karagdagang mga trak, Yale muli ang una naming pipiliin.”
Ano Ang Mga Sinasabi Ng Aming Mga Customer
“Para sa amin, ang serbisyo ay isang mahalagang bahagi ng pagpapasya pati na rin ang relasyong nakabatay sa pakikipagsosyo kung saan napag-uusapan ang mga hamon. Ito ang dahilan kung bakit namin pinili ang Yale at M. + S. Bauer dahil sa kanilang magkatulad na paraan sa pakikipagtulungan.” Herbert Ettl - Operations Manager, Ehmann Holz-Zentrum