“Sa merkado kinakatawan ng pangalang Ellerhold hindi lang ang para sa mataas na kaildad ng mga produktong panlimbang, ngunit para din sa paghahatid nang nasa oras,” sabi ni Bernd Schmidt, CEO ng Ellerhold sa Zirndorf. “Para sa kadahilanang ito, gusto naming lagyan ang aming warehouse ng modernong solusyon na intralogistics na kahit sa patuloy na paglago, ito ay nag-aalok ng antas na kakayahang lumago at pamahalaan ang tumataas na demand. Sa maraming iminungkahing mga solusyon, ang konsepto ng Yale lamang ang nakakumbinsi kaagad sa amin.”
Kasama ngayon sa bagong high-bay na warehouse ang kabuuang apat na pasilyo, na ang bawat isa ay may pitong antas, sa taas na 17 metro at taas ng istante na 7.5 metro. Upang ipakita ang apat na pasilyo at ang 900 pallet bay, kailangang idisenyo ang pasilyo sa lapad na 1.65 metro.
“Dahil sa katotohanang hindi na mababago pa ang layout ng hall, naging napakahirap na makamit ang mga kinakailangan ng pamantayan ng sistema ng istante,” ipinaliwanag ni Martin Gärth, V.M.L Consultant at M.+ S. Bauer, isang dealer ng Yale na nakabase sa Nuremberg.
“Kailangan ang pinasadyang solusyon ng istante para magawa naming maghatid nang perpekto gamit ang sistema ng pagsasalansan ng paleta na PowerPal®, dahil nagbibigay ng pinasadyang mga sukat ang tagagawa. Gamit ang umaangkop na PowerPal-shelf systems, nagamit ng Yale ang magagamit na espasyo nang matipid, para mag-alok ng high-bay na warehouse para sa humigit-kumulang na 900 espasyo ng paleta sa isang lugar na humigit-kumulang sa 500 metro kuwadrado.”