Karanasan
Pag-aaral ng Kaso ng Goya Foods
Itinatag noong 1936, ang Goya Foods ngayon ay ang pinakamalaking kompanya ng pagkain na pag-aari ng Hispaniko sa Estados Unidos. Mayroon itong taunang benta na mahigit sa $1 bilyon. Sinimulan ng kompanya ang isang 10-taong estratehikong plano noong 2005, namuhunan ng $500 milyon sa pagpapalawak upang maabot ang mga bagong customer at mapalakas ang tatak na Goya sa buong mundo. Isang kritikal na bahagi ng simulaing ito ang pag-optimize sa network ng pamamahagi nito.
Hamon
Sa pagsisikap na mapaunlakan ang halaga ng dati at inaasahang paglago sa loob ng mga dekada, itinayo ng Goya Foods ang isang pasilidad na 643,000 square-foot sa Jersey City, New Jersey na magsisilbi bilang isang modelo para sa natitira nitong network ng paghahatid at pinagsasama ang mga operasyon ng dalawang pasilidad ng pamamahagi.
Solusyon
Magiging sobrang mahal ng pagbabago ng racking, kaya nakipagtulungang mabuti si Jerry Russo, ang matagal nang account manager ng Goya para sa Barclay, sa Quinones upang bumuo ng tamang mga pagbabago sa lift trak. Gumugol ang dalawa ng ilang linggo sa bagong pasilidad at nagbiyahe sa iba pang lokasyon ng Goya upang suriin ang parehong mga pagsubok na pisikal at mga isinasaalang-alang sa daloy ng trabaho upang matukoy ang mga espesipikasyon.
Ang una nilang alalahanin ay ang pagharap sa mababang clearance ng drive-in racking. Kung hindi makapasok ang mga sit-down na trak, dapat iwanan ng mga operator ang mga paleta sa isang staging area at dapat dumating ang isa pang operator na may ibang uri ng trak upang alisin ang paleta. Nagdaragdag ito ng isang karagdagan at di-episyenteng punto ng kontak na nagpapabagal sa oras ng siklo. “Isa sa aming pinakamahalagang layunin sa pagbuo ng Goya-spec trak ay mabawasan ang dami ng karagdagang kontak na kailangan para ilipat ang imbentaryo,” sabi ni Quinones. “Gusto namin ng iisang trak na kayang tapusin ang buong siklo, mula sa pagtanggap hanggang sa pag-aalis, para maalis ang karagdagang hakbang na iyon.”
Sa huli, nilikha ng dalawa ang Goya-spec lift trak – isang Yale® ERC050VG na de-kuryenteng counterbalanced na modelo, na pinasadya para alisin ang fender sa mga gulong sa harap, magdagdag ng mas malalaking gulong at gumamit ng isang pinasadyang overhead guard. Itinatampok ng disenyo ng guard ang isang kurbada at camber sa mga gilid na nagpapahintulot sa trak upang magkasya sa mga drive in rack, habang pinananatili ang kinakailangang proteksyon ng operator – na bumubuo ng iisang lift trak na may walang-katapusang kakayahan.
Binago rin ng Yale ang mga reach na trak para solusyunan ang pagtama ng mga outrigger sa ibaba ng rack. Pinipigil ng problemang ito ang mga operator mula sa paglapit sa target na lokasyon ng imbakan, na nagbabanta sa kanilang kakayahang umabot sa mga lalim ng imbakan na doble ang lalim. Kaya nagsimula ang Yale sa pamamagitan ng pagpapahaba ng naabot, na may pag-a-adjust ng mga cylinder at mekanismo ng reach. Pagkatapos, idinagdag ang pagpoposisyon ng laser at isang sistema ng camera upang tulungan ang mga operator na iposisyon nang mas tiyak ang mga karga sa matataas na lugar.
Epekto
Binigyang-daan ng mga lift trak ng Yale na mayroong pinasadyang mga pagbabago ang Goya upang gawing realidad ang mga potensyal ng bago nitong pasilidad. Sinasamantala ang kabuuang kubikong laki ng mas malaking espasyo at binabawasan ang mga paghawak mula sa pagtanggap hanggang sa pag-iimbak, pinahihintulutan nito ang pasilidad na maglipat ng mas maraming karga – 60,000 hanggang 90,000 kada gabi – nang mas mahusay kaysa dati.
Ayon kay Unanue, pinahusay ng paggamit ng double-deep rack ang pangkalahatang daloy ng trabaho ng operasyon, mas pinalakas ang pagiging produktibo at nakatulong pa sa pagsulong ng mas ligtas na kapaligiran ng pagtatrabaho. “Nagawa naming alisin ang mga lift trak sa mga lugar na mataas ang trapiko at lumikha ng mas ligtas na kapaligiran sa pagtatrabaho dahil pumipili kami ngayon mula sa harap ngunit nagpupuno naman mula sa likod ng istante.”
Sa mga resultang iyon, naging bagong pamantayan sa network ng pamamahagi ng buong kompanya ang Goya spec trak at layout ng warehouse sa Jersey City. Kinikilala ni Quinones ang tatag ng relasyon ng dealer at customer bilang isang mahalagang bahagi sa tagumpay ng bagong warehouse.
“Tuwing mayroon kaming bagong pagsubok, lagi ko itong nalalampasan at nakahahanap ng isang solusyon kasama ang Barclay,” sabi ni Quinones. "Ilang buwan ang ginugol nila upang pag-aralan kung paano namin gagamitin ang mga trak at ang aming imprastraktura ng imbakan, na siyang naglatag ng pundasyon para sa lahat ng aming pagsisikap. Matagumpay ang relasyong ito dahil naiintindihan namin ang mga pangangailangan ng bawat isa."