Pag-aaral ng Kaso

McCain Foods

Nalulutas namin kahit ang pinakamahihirap na kaso.

Karanasan

ERC16-20VA-Electric-Counterbalanced-Forklift-Truck-App1-banner.jpgBilang isang negosyo ng mga iladong pagkain na tatlo ang shift, kinailangan ng 20 de-kuryenteng lift trak ng McCain Foods ang tatlong baterya kada trak. Upang mapanatili ang oras ng pagtakbo ng mga trak, kinailangan ng McCain na iimbak ang resultang 60 baterya sa kanilang pasilidad sa Appleton, Wis.

Itinatag noong 1909 sa Florenceville, New Brunswick, ang McCain Foods ang pinakasikat na pangalan ng tatak mula sa Canada sa buong mundo. Isang nangunguna sa buong daigdig sa industriya ng iladong pagkain, na may 53 pasilidad sa buong mundo at taunang benta na higit sa C$6 bilyon, nagluluwas ang planta ng McCain sa Appleton, Wis., ng mahigit sa 130 milyong libra ng mga iladong appetizer kada taon. Isang pasilidad na bukas 24 na oras at 5 araw sa isang linggo, ang Appleton ay tirahan din ng Technology Center, isang makabagong sentro ng pananaliksik at pagpapaunlad at isang laboratoryo ng microbiology.

May punong-tanggapan sa Green Bay, Wis., ang Yale Materials Handling – Green Bay ay isa sa mga pangunahing kompanya sa paghawak ng mga materyales ng Midwest. Itinatag noong 1985, pinalawak ng YMH – Green Bay ang mga lokasyon nito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga sangay sa Stevens Point at Marinette, Wis., upang mas mapagserbisyuhan ang mga kliyente nito sa Wisconsin at Michigan.

Nakipagsosyo ang McCain sa YMH – Green Bay noong 1990.

Hamon

Napagtanto ng McCain na nawawala sa kanilang ang mahalagang oras bilang resulta ng kanilang pangangailangan sa baterya ng 20 de-kuryenteng lift trak. Bilang isang operasyon na may tatlong shift, kinailangan ang tatlong puno ng karga na mga baterya kada trak upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan. Sa pagsisikap na mapanatili ang oras ng paggana ng trak sa pagitan ng mga shift, inimbak sa planta ang resultang 60 baterya – na lumilikha ng mga panganib na pangkapaligiran at pangkaligtasan para sa mga empleyado.

Hindi tiyak ng McCain kung ang kanilang fleet ng de-kuryente at Internal Combustion Engine (ICE) na mga lift trak at mga de-motor na walkie ay nasulit para sa kanilang mga pangangailangan. Sa pasilidad ng mga iladong pagkain ng McCain, tinitiis ng kanilang mga lift trak ang ilang napakahirap at mapanghamong operasyon.

Solusyon

Sa paggamit ng pag-charge ng baterya ayon sa pagkakataon, hindi na kinailangan ng McCain na mag-charge ang mga operator ng mga baterya bago ang kanilang shift. Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito, naalis ng McCain ang 10 charger ng baterya at nabawasan ang pangangailangan para sa tatlong baterya kada trak sa isang baterya kada
trak na nagtatagal sa buong tatlong shift. Bilang resulta, pinagsama-sama ng McCain ang kabuuang baterya nito mula 60 hanggang 20.

“Pinayagan kami ng YMH – Green Bay na baguhin ang paraan kung paano kami nagcha-charge ng aming mga karaniwang baterya,” sabi ni Villarreal. “Sa paglipat sa bagong nangungunang teknolohiya, maaaring i-charge ang aming mga baterya sa trak nang mas madalas walang sira. Nakaaapekto sa aming kita ang pagkakaiba sa pagitan ng 8-oras na tagal ng pag-charge at 15 minuto sa panahon ng pamamahinga ng operator.”

Ngayon, binubuo ang fleet ng lift trak ng planta ng McCain Appleton ng 27 lift trak ng Yale. Bumili ang McCain ng dalawang ICE na lift trak, isang GLC40AF at GLP60TG ayon sa pagkakabanggit, tatlong ERP040TH, apat na ERC050VG at siyam na ESC040FA na de-kuryenteng rider lift trak, isang
MPE080LE, limang MPE060LF at isang MPE080LC end rider at dalawang MPW050LE na de-motor na walkie.

“Nakatipid kami ng pera dahil sa YMH – Green Bay, habang nadaragdagana ang pagiging produktibo ng aming mga kagamitan,” pagpapatuloy ni Villarreal. “Dahil mas kaunti ang mga bateryang imamantini at iimbak, talagang nagawa ng aming mga empleyado na ituon ang kanilang oras sa pagtapos ng kanilang trabaho. At, tumaas ang kaligtasan at katipiran sa enerhiya ng aming planta.”

Epekto

Image description

Kilalanin ang Aming Eksperto sa Industriya

Ang paghahanap ng tamang solusyon para sa iyo ay nagsisimula sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa isang kasosyo na parehong alam ang iyong negosyo at nauunawaan kung ano ang pinakamahalaga sa iyo.

Makipag-ugnayan sa Amin