Tumutulong ang mga fuel cell na mabawasan ang mga problema sa pag-charge ng baterya at bumabang pagkaproduktibo.
Supplier ng Sasakyan
Sa unang bahagi ng 2016, isang customer sa industriya ng sasakyan ang may fleet ng 16 na Yale® Class 1 na lift trak upang suportahan ang kanilang mga operasyon sa paghawak ng materyales. Kabilang sa mga operasyong ito ang tatlong shift kada araw at may kabuuang mahigit sa 3,000 oras taun-taon sa isang pasilidad na may sukat na 565,000 square feet. Upang paandarin ang mga trak na ito, ginagamit ng customer ang mga lead acid na baterya na may mga pamamaraan na ‘fast charging’ upang mapanatiling tumatakbo ang mga ito.
Hamon
Habang nadaragdagan ang mararaming gawain, naging hamon ang pagpapatakbo sa mga trak dahil sa mga limitasyon sa pagcha-charge ng mga lead acid na baterya. Ginamit ng customer ang pagkakataon sa pag-charge, o mabilis na pag-charge, sa oras ng pamamahinga ng operator sa lahat ng shift. Sa kasamaang-palad, hindi nila kailanman nagawang panatilihin ang mga lead acid na baterya sa ninanais na antas ng pag-charge, at humantong ito sa pagbaba ng pangkalahatang pagiging produktibo. Sa mabilis na pag-charge, mainam na i-charge ang mga baterya sa pagitan nga 40 hanggang 80% na karga, ngunit hinahayaan ng customer na bumaba sa 25% ang charge ng kanilang mga baterya. Sa oras ng pahinga, nagbigay sila ng 10-minuto mabilis na pag-charge na may back up na 40%. Sa kasamaang-palad, hindi nila kailanman nagawang mai-charge ang baterya sa antas na pinakamahusay ang pagganap.
Dahil sa masasamang gawing ito sa pag-charge, sinisira din nila ang mga baterya na humantong sa mas maikling buhay ng mga ito. Karaniwang nangyayari ito sa mabilis o pagkakataon sa pag-charge dahil sa tuwing nagcha-charge, alinman sa 10 minuto o 8 oras, ibinibilang ito bilang isang cycle at may mga limitadong dami ng mga cycle ng pag-charge sa buhay ng bateryang ito. Dahil sa paraang ito ng pag-charge, kailangang palitan ng customer ang mga baterya nang mas maaga kaysa sa orihinal na plano.
Sa pagsisikap na laging magkaroon ng mga trak na ganap na pinatatakbo ng kuryente, umupa ang customer ng mga karagdagang lift trak upang tulungan sila sa kanilang gawain. Nagbigay-daan ito sa customer na mag-charge ng mga karagdagang trak sa kanilang mga shift at gawing palitan ang mga trak sa tuwing kinakailangang mag-charge. Kailangang gawin itong magastos na hakbangin upang masigurong napananatili nila ang pagiging produktibo ng operator, ngunit tumaas ang pangkalahatang gastusin ng mga operasyon.
Solusyon
Dahil nalalapit na ang pagtatapos ng pag-upa ng customer sa fleet ng mga lift trak nito, nakipagkita ang isang dealer ng Yale sa customer upang pag-usapan ang isang bagong opsyon sa pagpapaupa. Sa panahong ito ng pagbisita sa lugar, tinalakay ng customer ang mahihirap na punto gamit ang mga lead acid na baterya at ang hindi epektibong gawi sa pag-charge. Tinalakay nila ang pagdaragdag ng isang istasyon sa pagpapalit ng baterya upang laging ganap na may charge ang baterya ng mga trak. Gayunman, kinailangan ng solusyong ito na magkaroon ang customer ng maraming bateryang magagamit kada trak, isang 80-talampakan na pader ng istasyon sa pag-charge at karagdagang imprastraktura. Para sa isang tier one na supplier ng piyesa ng sasakyan, mahalaga ang espasyo, kaya lumikha ang solusyong ito ng mas maraming problema dahil sa limitasyon sa espasyo.
Dahil hindi na natutugunan ng mga lead acid na baterya ang mga kinakailangan ng customer, napunta ang usapan sa mga hydrogen fuel cell na Nuvera. Maaalis ng paggamit ng hydrogen bilang isang pinagmumulan ng fuel ang mga sakit ng ulo hatid ng pagcha-charge ng baterya dahil maaaring matapos ang pagkakarga ng fuel na kasing bilis ng 3 minuto. Nagbibigay-daan ang mga fuel cell sa mas mataas na pagiging produktibo at nakatitipid ng espasyo sa pamamagitan ng pagpapalit ng maraming istasyon sa pag-charge sa iisang istasyon ng pagkakarga ng fuel.
Bagama’t nagustuhan ng kompanya ang ideya ng fuel cell, hindi ito handang mamuhunan para gastusan ang kapital sa pagtatayo ng isang onsite hydrogen generator at imprastraktura. Para pagaanin ang problemang ito, nakapagbigay ang dealer ng isang solusyon na inihahatid na hydrogen. Inihahatid ang hydrogen gamit ang isang trailer na nakakonekta sa isang mas simpleng istraktura na binubuo ng mga tubo papunta sa pasilidad at nakakonekta sa iisang dispenser. Sa sitwasyong ito, magkakaroon ang customer na napakaliit na paunang gastos, at ihahatid ang isang bagong hydrogen trailer sa kanilang lugar. Lubhang kaakit-akit itong sistema ng paghahatid ng hydrogen sa customer, at sa huli ay nagpasya silang gamitin ang hydrogen fuel cell na Nuvera.
Epekto
Ngayon, tumatakbo ang buong fleet ng customer gaming ang mga hydrogen fuel cell at nananatili silang labis na nasisiyahan. Nagagawa ng mga operator na mapanatili ang mas mahusay na pagkaproduktibo sa buong shift nila at natatapos ang mga pagre-refill nang kasing bilis ng 3 minuto. Nabawi rin nila ang espasyo ng kanilang warehouse sa pag-aalis ng mga istasyon sa pag-charge ng baterya. Dahil tumatakbo ngayon ang kanilang mga trak na Yale® sa 100% kapasidad na may kakaunting pagtigil sa pagtakbo, hindi na kailangan ng customer ng kasing dami ng trak gaya ng dati habang ginagamit ang mga lead acid na baterya. Nabawasan ang laki ng fleet mula 16 na lift trak (kasama ang mga inuupahang trak) hanggang sa 14 na lift trak. Hindi na kailangan ng kompanya ng maraming baterya bawat trak at ngayon ay nasa isa-kada-isa na ratio ng trak sa fuel cell. Sa pagbawas ng laki ng fleet at dami ng baterya, nagawa ng customer na i-offset ang gastusin ng makabagong solusyon na fuel cell.
Napanatili ng dealer ang matatag na pakikipag-ugnayan sa customer at patuloy na sinusuportahan ang kanilang mga pangangailangan sa hydrogen. At pagkalipas ng anim na buwan ng paggamit, naging masaya ang customer sa kanilang pagpapasyang magpalit mula sa paggamit ng mga lead acid na baterya patungo sa mga hydrogen fuel cell.