Anim na palatandaan na kailangan mong muling suriin ang lakas ng iyong lift trak

Buod

Hinaharap ngayon ng mga operasyon ng pagmamanupaktura at pamamahagi ang walang katulad na mga mapagkumpitensyang pamimilit. Nagsasama-sama ang mapanghamong merkado ng paggawa, tumataas na mga halaga ng pangkomersiyal na real estate at paglago ng e-commerce upang iutos ang mas higit na kahusayan. Sa pagsisikap na gumawa ng pinakamagagamit na mga mapagkukunan, namumuhunan ang mga kompanya sa automation, pag-a-adjust ng mga daloy ng trabaho, pagkolekta ng data at marami pa.

Pero paano naman ang mga de-kuryenteng lift trak?

Malayo ang mararating ng tamang pagpili ng de-kuryenteng lift trak sa pagpapabuti ng kahusayan sa pagpapatakbo. Halimbawa, naglalagay ang magkakaibang mapagkukunan ng enerhiya ng iba’t ibang kahirapan sa paggawa upang palitan, i-charge o muling lagyan ng fuel. Kailangan ng mga ito ng magkakaibang dami ng espasyo upang gumawa ng puwang para sa muling paglalagay ng fuel, pag-charge at pagpapalit ng imprastraktura, at may hatid na iba’t ibang gastusin na panimula at pangmatagalan.