Pagpapahusay ng pagiging produktibo sa pamamagitan ng kaligtasan
Buod
Nagbibigay ng mas maraming presyon higit kailanman ang ekonomiya ngayon na mabilis ang pagbabago at pinagagana ng kasiyahan ng customer sa mga empleyado ng sentro ng pamamahagi upang matugunan ang mga layunin ng pagiging produktibo. Maaaring maging sanhi upang malimutan ng mga operator ang mga pamamaraan ng ligtas na pagpapatakbo dahil sa paghabol sa mga deadline ng mahigpit na order at mga kumplikadong pagpili kasama ng mga insentibong nakabase sa antas ng produksyon.
Ayon saOccupational Safety and Health Administration (OSHA), gumagasta ang mga negosyo ng humigit-kumulang sa $170 bilyon kada taon sa mga gastusin na nauugnay sa mga pinsala at sakit kaugnay ng pagtatrabaho – mga gastusing direktang nagmumula sa mga kita ng kompanya. Gayunpaman, kayang mabawasan ng mga lugar ng pagtatrabaho na nagtatag ng mga sistema ng pamamahala ng kaligtasan at kalusugan ang kanilang gastusin sa pinsala at sakit nang 20 hanggang 40 porsiyento.
Nag-aalok itong papel na panteknikal ng unti-unting paraan upang magtaguyod ng isang mas malusog at mas ligtas na lugar ng paggawa sa pamamagitan ng pagsasanay, tamang pag-maintenance, at mga tampok ng lift trak na madaling gamitin ng operator.